Kaso ng Media Killings sa ilalim ng Duterte Administration, lumabas na! | TESTING ZONE

Thursday, August 22, 2019

,

Kaso ng Media Killings sa ilalim ng Duterte Administration, lumabas na!

Kaso ng Media Killings sa ilalim ng Duterte Administration, lumabas na!

Lima lamang sa labing siyam na naitalang kaso ng media killing sa ilalim ng Duterte Administration ang lumalabas na work – related.

Ito ang inihayag  ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Undersecretary Joel Egco batay na rin sa mga isinagawa nilang masusing imbestigasyon.

“Ito ay ang kaso ng pagpatay kay Dennis Denora Denora, publisher ng weekly newspaper Trends and Times sa  Panabo City…kaso ng pamamaril kay Albay broadcaster Joey Llana nuong July 20, 2018…pagpatay kay  Brigada News FM station manager  Eduardo Sanchez Dizon nito lang July 10 at pagpaslang kina mediamen Christopher Lozada at Larry Que.”

Kaugnay nitoy nakatakdang ipresenta mamaya sa Malacanang Press Corps nina USEC Egco at ni PCOO Secretary Martin Andanar ang ilang major breakthrough sa kaso ng pagpaslang kay Brigada Station Manager Ed Dizon na kung saan, iniuugnay ang pagpatay dito dahil sa pagiging kritiko nito sa KAPA community ministry na nasangkot sa scam.

Dalawang witness ang ipe- presenta nina Andanar at Egco habang inaasahan din mamaya sa pulong balitaan ang balo ni Dizon na si gng Madonna Dizon.

Visit and follow our website: TRENDING NEWS PH FILE

© TRENDING NEWS PH FILE

Loading...

0 comments:

Post a Comment