Hindi pinalampas ni Senator-elect Bong Go ang pagkakataong mapanood ang pelikulang “Kontradiksyon” sa premiere night nito, June 24, na ginanap sa SM Megamall. Kasama ring nanood si Pangulong Rodrigo Duterte ng pelikula, na tungkol sa laban sa illegal na droga at sa paghihirap ng mga pamilyang Pilipino na napeperwisyo ng salot na ito.
Sa speech ng direktor na si Njel de Mesa bago nagsimula ang palabas, ibinahagi niya ang hirap na dinanas niya at ng buong produksyon upang mabuo ang “Kontradiksyon.” Sa kabila ng mga kritisismo, naging inspirasyon umano niya ang dedikasyon sa trabaho at pagiging totoong tao ni Pangulong Rodrigo Duterte. Binanggit din niya na madali siyang mapalapit sa mga taong tulad ni Kuya Bong na masipag at seryoso sa pagseserbisyo.
Buong-buo naman ang suporta ni Kuya Bong sa programa ni Tatay Digong at ng pamahalaan laban sa illegal na droga. Naniniwala siya sa sinabi ng Pangulo na ang paglaganap ng illegal na droga sa bansa ay naging dahilan kung bakit nasira ang mga pamilya at naging corrupt ang ilang pulis. Para kay Kuya Bong, dapat lamang na masugpo ito bago pa mahuli ang lahat. Hinihimok ni Kuya Bong na manood ang lahat ng “Kontradiksyon,” na tumatampok sa mga batikang aktor tulad nina Jake Cuenca at Kris Bernal. Isang eye-opener ang pelikula na maging maingat ang mga Pilipino at umiwas sa tatlong salot ng lipunan—ang illegal na droga, korapsyon at kriminalidad.
Visit and follow our website: TRENDING NEWS PH FILE
© TRENDING NEWS PH FILE
Loading...
0 comments:
Post a Comment