Video; P1.8 Billion per Year na Suhol, Binunyag ni Mayor Isko! | TESTING ZONE

Wednesday, July 3, 2019

, ,

Video; P1.8 Billion per Year na Suhol, Binunyag ni Mayor Isko!

Video; P1.8 Billion per Year na Suhol, Binunyag ni Mayor Isko!

“Simple lang ang sinabi ko. ‘Subukan niyo.’ Oh, hindi na tumawag,”

Ibinunyag ng bagong Alkalde ng Maynila na si Isko Moreno na nakaktanggap ito ng mga alok na suhol na aabot ng P5 million kada araw o P1.8 billion kada taon.

Ang suhol daw na ito ay para hindi galawin ang mga vendor na iligal na nakapwesto sa mga kalye.

“May nagpaparating lang sa akin na mensahe: P5 million daw a day, P150 million a month, P1.8 billion a year. Ngayon, whether it is true or not, I don’t know. Kaya siguro mahirap linisin. That’s 1.8 billion. Para dating-gawi, same-same,” sabi ni Mayor Moreno.

Sa ikalawang araw pa lang ni Moreno ay pinatanggal na niya ang mga vendors na nakakasagabal sa kalye.

“Wala ngang nangyari ng anim na taon. Ngayon, wala pang 48 hours, may nangyari na,” banat ni Moreno.

Ayon kay Moreno, mayroon daw mga nag-oorganisa sa mga vendor kaya ang mga ito ay naglalakas ng loob magtinda sa kalsada. Sa katunayan, may nahuling naninigngil sa mga vendors sa isinagawang entrapment operation. Gumagamit pa daw na “props” o resibo ang mga organizer para mapaniwala ang mga vendors na sinisingil.

“Sir, we were organized. Kaya ang salitang organizer sa vendors, hindi na bago. You ask the vendors, may organizer na ganito atmay organizer na ganyan. Tapos iyan kokopohin, tapos i-imbuduhin, tapos na ganyan si e di,” banat ni Moreno.

Basahin ang reaksoyn ng ilang netizens sa naging aksyon ni Mayor Isko.
“Good Job po Mayor Isko..mabuhay po kyo..sana po maging malinis na ang maynila at dyan po sa santacruz maynila Recto wala na pong makadaan na sasakyan sa sobrang sikip po,”sabi ni A. Cailles.

“Wag na wag po sana kayu masilaw sa mga ganyan kahit pa doblehin pa. Para po manumbalik ang kagandahan ng sentro ng kalakaran ng bansa. God blessed and congratulation mayor,” sabi ni R. Bautista.

“si isko ang mas nakakaalam ng kalakaran jan sa lungsod ng maynila.
kasi jan sia talaga ipinanganak at lumaki.


Good job mayor..more and more improvement to the City.salute to u,” sabi ni R. Losa.


Watch the Video Below:

Visit and follow our website: TRENDING NEWS PH FILE

© TRENDING NEWS PH FILE

Loading...

0 comments:

Post a Comment