READ: Internal Cleansing Program ng PNP NCRPO: 700 Pulis sinibak sa pwesto | TESTING ZONE

Thursday, July 4, 2019

READ: Internal Cleansing Program ng PNP NCRPO: 700 Pulis sinibak sa pwesto

READ: Internal Cleansing Program ng PNP NCRPO: 700 Pulis sinibak sa pwesto

Sinibak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa serbisyo ang nasa 711 pulis sa Metro Manila kaugnay sa internal cleansing program.

Ayon sa datos, sinabi ni NCRPO director, Maj. Gen. Guillermo Eleazar na simula noong July 2016, hanggang unang semester ngayong taon, may 2,279 personnel kasama na ang 711 NCR cops ang nadisiplina dahil sa ilang paglabag sa batas at ilegal na gawain.

Samantalang 190 pulis ang nademote at 1,378 ang nasuspinde.

24 ang nakasuhan ng Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; 30 ang nasibak dahil sa human rights violation; 39 dahil sa pagnanakaw at extortion; 5 ang akusado ng physical injury complaints, 236 ang nahaharap sa grave cases at 377 na nag-AWOL (Absent Without Official Leave).

Hinkayat naman ng hepe ng NCRPO ang mga biktima na maghain ng reklamo para maparusahan ang mga pulis na nagkasala.

Tinuruan naman niya ang mga police directors, commanders at hepe ng bawat opisina na siguraduhin at panatilihin ang disiplina na makasunod sa batas, polisiya, at regulasyon.

Ang limang distritong pinamumunuan ng NCRPO ay ang Manila Police District, Quezon City Police District, Northern Police District, Southern Police District, at Eastern Police District.

Pinaalalahanan naman ni Albayalde ang mga police personnel na hindi niya hahayaan ang mga maling ginagawa ng kanyang kapulisan.

“When a recruit takes his oath as a professional police officer, he automatically loses or waives some of his rights in favor of organizational discipline, duties and responsibilities. So, being scolded, reprimanded, bawled out, or dressed down for misdemeanor, misconduct or commission of crime is just part and parcel of his life being in the uniformed service,” ani Albayalde.

“This is a stern warning to all PNP personnel. We will be adding more teeth to our campaign against those rogues and scalawags among our ranks. We will not hesitate to relieve any official from their posts should any incident like this extortion and robbery case would happen again,” dagdag pa nito.

Visit and follow our website: TRENDING NEWS PH FILE

© TRENDING NEWS PH FILE

Loading...

0 comments:

Post a Comment