NEXT LEVEL : Operasyon laban sa mga sindikato ng iligal na droga isasagawa ng PNP! | TESTING ZONE

Thursday, July 4, 2019

NEXT LEVEL : Operasyon laban sa mga sindikato ng iligal na droga isasagawa ng PNP!

NEXT LEVEL : Operasyon laban sa mga sindikato ng iligal na droga isasagawa ng PNP!

Pansamantalang magla-lie low muna ang Philippine National Police (PNP) sa mga street level drug pusher at magko-concentrate ang kanilang operasyon laban sa mga sindikato ng iligal na droga at drug traffickers na nagsisilbing mga source ng pagkalat ng droga partikular ang shabu na patuloy na naibebenta sa kalsada.

Ayon kay PNP spokeperson Police Col. Bernard Banac, inaasahan na sisimulan na ng ahensya ang “modified drug war” ngayong buwang ito kung saan target nila ang mga sindikato ng iligal na droga at drug traffickers.

“This will be our focus since what we have seen in the past is that despite the Oplan Tokhang and Oplan Double Barrel, there are still people who are engaged in peddling illegal drugs,” pahayag ni Banac sa isang panayam sa radio.

“We really have to focus on the supply side because despite our aggressive campaign, there is still plenty of supply of illegal drugs. So what we have to stop is the network of the supply of illegal drugs,” dagdag nito.

Bagamat mababawasan ang operasyon, sinabi naman ni Banac na patuloy pa rin ang street level operation ng PNP kung saan umaabot na sa 1,283,409 mga drug suspek ang sumuko habang 240,565 ang naaresto at 6,600 na drug suspek ang nasawi sa isinagawang operasyon simula Hulyo 1, 2016 hanggang Mayor 31, 2019.

“So what we would focus on is the source of the illegal drugs so that we could stop the distribution of illegal drugs at the street level,” pahayag pa ni Banac.

Matatandaang nitong nakaraang linggo ay sinabi ni retired PNP chief at Senator elect Ronald “Bato”dela Rosa isusulong niya ang death penalty lalo na sa mga drug traffikers at kung siya ang papipiliin ay gagawin ito ng sa pamamagitan ng firing squad at live sa publiko.

“I have no other campaign promise or platform when I run for Senator except for death penalty for drug trafficking. I have to do that. The people voted for me and I won with that platform,” saad ni dela Rosa sa mga reporter sa Camp Crame.

Nilinaw naman niya na hindi lahat ng krimen na may kinalaman sa iligal na droga ay mapaparusahan ng kamatayan.

“Not for all crimes. As I have said, small-time drug peddlers, pushers or users won’t be included. My version of death penalty is for drug trafficking, those who flood the country with illegal drugs. There should be a ceiling. For example, if you are caught in possession of at least 1 kilo of shabu, you are classified as drug trafficker. It can be like that,” paliwanag pa ni dela Rosa.

Visit and follow our website: TRENDING NEWS PH FILE

© TRENDING NEWS PH FILE

Loading...

0 comments:

Post a Comment