WATCH: 800 OFWs, kabilang ang mga nabiktima ng illegal recruiter sa UAE, nananawagan ng tulong | TESTING ZONE

Sunday, June 23, 2019

,

WATCH: 800 OFWs, kabilang ang mga nabiktima ng illegal recruiter sa UAE, nananawagan ng tulong


Humihingi ngayon ng tulong ang nasa 800 na Pinoy sa United Arab Emirates para makabalik na sila sa Pilipinas. Ang ilan sa kanila, nabiktima umano ng illegal recruiter na nangakong bibigyan sila ng trabaho bilang domestic helper. Panuorin ang Video sa Ibaba!

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing bukod sa mga nabiktima ng manloloko, may mga OFW din na tumakas sa kani-kanilang amo at mayroon din mga OFW na ibinalik doon ng kanilang mga banyagang employer.
Sa dami ng mga OFW, nagsisiksikan umano sila sa isang shelter ng konsulado ng Pilipinas, at pahirapan din umano ang kanilang pagkain.
Ang isang Pinay na galing sa UAE at nakabalik na sa bansa, nanawagan na matulungan ang mga kababayan naiwan doon.
"Hindi na lang para sa akin, concerned na lang po ako roon sa mga naiwan. Iyon nga po ang sabi nilang lahat, kami pong mga nakauwi ang makatutulong sa kanila," saad ng Pinay.
Sa hiwalay na ulat ng "24 Oras," inilahad ng Philippine Overseas Labor Office sa Dubai na nasa mahigit 300 OFWs na lang ang nasa kanilang welfare office.
Naayos na umano ang mga papeles ng ibang Pinoy at nakauwi na sa Pilipinas, at may mga uuwi pa sa susunod na linggo.
Inaayos na rin ang mga papeles ng iba pang naiwan.
SOURCE: GMA

Visit and follow our website: TRENDING NEWS PH FILE

© TRENDING NEWS PH FILE

Loading...

0 comments:

Post a Comment