GOOD NEWS: Aabot sa P70k ang maaaring matanggap ng Isang Nanay sa Kanilang SSS Maternity Benefits | TESTING ZONE

Sunday, June 30, 2019

GOOD NEWS: Aabot sa P70k ang maaaring matanggap ng Isang Nanay sa Kanilang SSS Maternity Benefits

GOOD NEWS: Aabot sa P70k ang maaaring matanggap ng Isang Nanay sa Kanilang SSS Maternity Benefits

Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) noong Huwebes (June 27, 2019), na aabot na sa P70,000 ang maximum maternity financial assistance na maaari nilang maibigay o supporta sumula sa January 2020.

Ayon Kay SSS President and CEO Aurora Ignacio, Na maaari silang magbigay ng pinakamataas na tulong pinansiyal sa maternity na hanggang P70,000 simula sa susunod na taon. Ito ay kasunod ng implementasyon ng Republic Act No. 11210 o Expanded Maternity Leave Act at pati na rin ng SSS Act of 2018. Kasama ito sa ibang laws na inaprobahan at pinirmahan ni Pres. Rodrigo Duterte, at nag-sign din ang Pangulo ng isang panukala na magbibigay benefit sa mothers in the field of employment.

Noong nakaraan, ang mga nagtatrabahong ina ay may makukuha 60 days paid leave sa mga nanay na nanganak ng normal at 78 days para sa mga caesarean section naman. Ngayon sa Republic Act 11210, ang nanay na nanganak ay garantisadong makakatanggap ng 105 days of maternity leave, na may 7 days na pwedeng ilipat sa tatay. At may karagdagan na 15 days sa mga single mom.

Sa Enero, 2020, ang mga benepisyaryo sa SSS ay makakatanggap na lagpas doble o hanggang maximum of P70k ang maternity benefit na dati ang nakakatanggap lang ng isang nanay ay ng P32,000.

Inihayag din ni SSS President Ignacio, na umabot na sa higit 122,000 na
masayang nanay dahil sa karagdagang mga benepisyo dahil sa Expanded Maternity Leave Act.

Katumbas ito sa P2.67 bilyon na maternity benefits mula Enero hanggang Abril nitong taon, mas mataas ng 15.09 porsiyento sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Visit and follow our website: TRENDING NEWS PH FILE

© TRENDING NEWS PH FILE

Loading...

0 comments:

Post a Comment